55
gambling-story

12 arestado sa illegal gambling sa Tarlac

Sharing is caring!

Inaresto ang 12 katao sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Tarlac City kaninang madaling araw.

Ayon kay Chief Inspector Jerold Jake Manguerra, chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tarlac, isinagawa ang operasyon dakong alas-3:30 ng madaling araw sa Tarlac Amusement Center sa Brgy. Tariji, Tarlac City.

Isinagawa ang operasyon kasunod nang reklamong may nagmimintene ng iligal na online gaming (online sabong) sa naturang establisimiyento.

Umabot sa 12 katao ang nadakip, kabilang ang maintainers at operators ng naturang online gambling.

Nakilala ang mga suspek na sina Rommel Santos, 42; Anthony Vargas, 45; Andrew Sese Magcalas, 28; Noel Ilopitan, 32; Arjay Suba Panga, 31; at Christopher dela Cruz, 29.

Ang iba pa ay sina Robin Figuroa Sescon, 26; Nestor Balderobar, 27; Rhopert Inquito, 25; Noel Rivera, 44; Kent Sarabaia, 25 at Alvin Gomez, 40.

Nakumpiska sa naturang raid ang anim na monitors, walong tripod, apat na laptop, dalawang ATEM, isang portable CPU, apat na head set, apat na keyboards, isang cellphone at mga assorted wires at power supplies.

Ilan sa mga pinapatakbo ng grupo ang mga online gambling sites na: www.sabonguniverse.online, www.sabongnation.com, PSSC at www.sabongbluered.net

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?