879

Mar 20, 2019 @ 18:16
By

12-anyos ginahasa, pinugutan ng ulo ng mga kapatid, tiyuhin

Inaresto ang mag-utol na lalaki matapos umanong halayin ang 12-anyos nilang kapatid at matapos ay tinanggalan pa ng ulo sa India nitong Miyerkoles.

Inaresto rin ang 40-anyos na tiyuhin matapos mabatid na kasabwat din sa panggagahasa ng tatlo niyang pamangkin sa biktima.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang kuya ng mga naaresto at biktima.

Ayon sa report, nang magbanta ang biktima na magsusumbong sa mga pulis ay pinatay ito ng mga salarin at pinugutan ng ulo saka itinapon ang katawan sa Madhya Pradesh.

Lumabas umano sa awtopsiya sa bangkay ng teenager na na-gang rape ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?