17

By

12 alipores ni Sotto, Robles babalik-kinang sa 18th Asiad

Sharing is caring!

KUMUPAS ang 12-katao kegler ng Pilipinas sa 17th Asian Games 2014 sa Incheon, South Korea nang mangitlog sa medalya.

Kaya buwelta-ningning ng nasabi pa ring bilang na mga mga bata na ngayon nina Philippine Bowling Federation chairman, Sen. Vicente Sotto III at president Steve Robles sa 18th AG 2018 sa darating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Babalik sa taong ito ang mga sumabak na rin sa kompetisyon may 4 na taon na ang nakararaan na sina Jo Mar Roland Jumapao, Kenneth Chua at Enrico Lorenzo Hernandez sa men’s team, at sina Marian Lara Posadas, Marie Alexis Sy at Ma. Liza del Rosario sa women’s squad.

Bumubuo sa koponan nina coaches Josephine Cañare at Engelberto Rivera sina Raoul Miranda, Merwin Matheiu Tan at Angelo Kenzo Umali, at sina Ma. Lourdes Arles, Dyan Coronacion at Rachelle de Leon.

Nasa pan-5 sa pangakalahatang katayuan sa 14 na bansa sa medal table ang Team PHL sa Asiad tenpin bowling sa 7-8-8 gold-silver-bronze. Best-finish nang mag-champion sa debut ng sport sa ika-9 na edisyon noong 1978 Bangkok, Thailand sa 3-3-2 G-S-B na binalikat ni Olivia ‘Bong’ Garcia-Coo.

Pinangunahan niya ang gold-silver sweep ng PH bowlers sa women’s singles at Masters bukod pa sa pinamunuan din sa tagumpay ang team-of-5 kasama sina Lita dela Rosa, Rosario de Leon, Lolita Reformado at Nellie Castillo.

Ang isa pang masaklap na tapos ng ‘Pinas sa AG bowling ay nang mabokya rin noong 2006 sa Doha, Qatar. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?