4
Baguio City

12.8°C naitala sa Baguio City, pinakamababa ngayong Enero

Sharing is caring!

Sumadsad sa 12.8° celsius ang temperatura sa Baguio City kaninang alas-sais ng umaga, na siyang pinakamalamig na naitala sa lungsod ngayong buwan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), ito’y dahil Amihan na patuloy pa ring umiiral sa bansa.

Sabi pa ng weather bureau, posibleng umabot pa sa Pebrero ang nararanasang lamig ng panahon sa Baguio.

Noong Disyembre ay bumaba pa sa 11°C ang temperatura sa lungsod dahil din sa Amihan.

Pebrero 2017 naman naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio na umabot sa 9°C.

Sa Metro Manila naman, sinabi ng PAGASA, na posibleng hanggang sa Lunes mararanasan ang malamig na panahon dahil sa malakas na pagbugso ng Amihan.

Hanggang sa Miyerkules naman mararanasan ang malamig na panahon sa Hilagang Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?