36

Mar 25, 2020 @ 21:12
By

$12.35B gastos ng Japan sa Olympics

Bago tuluyang kinansela ng International Olympic Committee at ni Japan Prime Minister Shinzo Abe ang 2020 Tokyo Summer Olympic Games, marami na ang nagpapahayag ng pagtutol na ituloy ang Games sa July.

Hindi pa masawata ang coronavirus kaya nag-aalala ang marami sa epekto nito sa quadrennial sportsfest.

Inihayag ng Australia at Canada na hindi na sila magpapadala ng atleta sa Tokyo. Nanawagan ang dalawang bansa, kasama ng USA, Germany at Poland na i-postpone ang event hanggang 2021.

Ipinostpone na nga ang Games.

Kinansela rin ang modern Olympics noong 1916, 1940 at 1944 dahil sa siklab ng World Wars.

Nanawagan din ng postponement ang sporting bodies kabilang ang World Athletics, USA Track and Field at USA Swimming.

Umaangal na noon ang mga atletang hindi makapag-training dahil sarado ang mga paisilidad. Kanselado ang sporting events sa buong mundo.

Sinabi ng Tokyo Olympics organizing committee noong December na aabot sa 1.35 trillion yen ($12.35 billion) ang halaga ng hosting.

Bilyong dolyar din ang nai-commit na ng sponsors, insurers at broadcasters sa Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?