25

Jan 8, 2020 @ 13:22
By

11th triple double kinamada ni Doncic

Ninlista ni Luka Doncic ang 21 sa kanyang 38 points sa third quarter at inekisan ang NBA-leading niyang 11th triple-double ng season para giyahan ang Dallas Mavericks sa 118-110 panalo kontra Chicago Bulls nitong Lunes.

Kinamada ni Doncic ang 17 sa 19 points ng Mavs sa final 5:35 ng third para pabukahin ang tablahang laro. Lumamang ang Dallas 72-69 sa kanyang 3 at ‘di na bumitaw.

Nagdagdag pa ang 20-year-old ng 11 rebounds at 10 assists para punan ang pagkawala ni Kristaps Porzingis na apat na laro nang lumiliban dahil sa pananakit ng kanang tuhod.

Questionable pa si Tim Hardaway Jr. bago ang laro pero sumalang para pasabugin ang 14 sa kanyang 15 points sa first quarter para sa Mavs.

Dalawang beses na ngayong season na umiiskor ng 20 o higit pa sa isang quarter si Doncic. May tatlong 3s siya sa stretch, apat na beses umiskor sa drives kabilang ang rainbow floater na bumanda pa sabay sa pagkaka-foul sa kanya. Tanging mintis niya ang bonus free throw doon.

Umayuda si Dwight Powell ng 16 points mula 6 of 6 shooting para sa Dallas.

Inabot pa ng right ankle injury si Bulls forward Wendell Carter Jr. 8:25 pa sa third. Umangat sa layup si Carter, pagbagsak ay natapakan ang paa ni Powell. Naka-wheelchair siyang inilabas.

May sprained ankle din si Lauri Markkanen pero naglaro at pinangunahan ang Bulls sa 26 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?