553

Dec 18, 2017 @ 19:08
By

Sandra Cam, ‘di puwedeng mag reyna-reynahan sa PCSO – Balutan

MISTULANG nagpaalala si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan kay jueteng whistle-blower Sandra Cam na hindi ito maaring mag-‘reyna reynahan’ sa ahensiya.

Magugunita na nang maitalaga si Cam sa PCSO bilang isa sa mga board members, inanunsiyo nito na tatapusin niya ang lahat ng iregularidad sa ahensiya.

Ngunit paalala ni Balutan sa posisyon ni Cam limitado ang kanyang kapangyarihan sa pagbalangkas ng mga polisiya.

Paliwanag nito ang balak na paglilinis ni Cam ay trabaho niya bilang tagapangasiwa ng operasyon ng ahensiya.

Samantala, nakipagkasundo ang PCSO sa AFP para sa P102 million health facilities capability project.

Walong military hospitals ang unang mabibiyaan sa programa, Air Force General Hospital, Air Force City Hospital, Basa Air Base Hospital, Army General Hospital, Sang-an Station Hospital, Capinpin Army Station Hospital, Aguinaldo Hospital at ang Presidential Security Group Hospital. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?