40

By

PNP nagbabala sa modus ng mga kriminal ngayon Kapaskuhan

Sharing is caring!

Pinag-iingat ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa iba’t ibang modus ng mga kriminal habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, mga kaso ng nakawan ang kalimitang dumarami sa ganitong panahon.

Sa naging pagpupulong aniya ng PNP National Oversight Commitee on Managing Police Operations na pinangungunahan ni PDDG for Operations FernandoMendez , Jr. Kabilang sa mga modus na gawain ng mga miyembro ng mga kriminal ay ang mga sumusunod:

Salisi Gang
Bespren Gang
Dura-dura gang
Laslas bag- bulsa gang
Pitas gang
Laglag barya
Ipit taxi
At tutok kalawit sa mga kabataan.

Dapat aniya mas maging listo ang lahat sa mga panahong ito upang hindi masingitan ng mga kawatan.

Kalimitan umanong kumikilos ang mga ito bilang grupo kung hindi man sa mga pampublikong sasakyan ay sa mga matataong lugar. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?