124

Dec 18, 2017 @ 21:02
By

MRT, 19 beses tumirik ngayong Disyembre

Umabot na sa ika-19 na pagtirik ang naganap o halos nasa 10,000pasahero ang hindi na nasisiyahan sa patuluy-tuloy na pagkaka-aberya ng mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3

Nabatid na muli na namang tumirik ang MRT kahapon ng tanghali sa north bound ng Taft Avenue-Magallanes station dahil sa technical problem na kung saan ay nakunsumi muli ang may 350 pasahero.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagpababa sila ng mga pasahero dahil hindi na naman umarangkada ang motor nito na naging dahilan ng pagkaantala ng takbo ng tren at naghintay pa ng mahigit limang minuto bago nakasakay muli ang mga pasahero.

Batay sa report mula sa MRT advisory, umabot na sa 19 na pagtirik ang naganap sa loob ng 18-araw ngayong buwan ng Disyembre na pawang mga electrical failure na naman at technical problem ang sinasabi nilang sanhi ng pagkaantala ng MRT.

Habang ang palagiang paliwanang ng DOTr ay posibleng sanhi nag pagkasira ng MRT ang electrical failure dahil karamihan ng makina nito ay luma na, maging ang regulator, insulators, chopper at carbon brush ay kailangan nang palitan.

Matatandaang huling naantala ang akbo ng MRT noong Dec, 15 na kung saan ay umabot sa mahigit 700 pasahero ng MRT-rik ang na-irita na sa palagiang pagkasira ng tren dahil muli na namang huminto ang MRT sa north bound ng Boni station.

Electrical failure na naman at technical problem ang sanhi ng pagkaantala ng MRT habang December 14 naman ay nagpababa ng mahigit 1,000 pasahero ang southbound train ng Metro Rail Transit Line 3 dahil sa paulit-ulit na technical problem na naganap sa GMA Kamuning Station.

Ayon sa pamunuan ng MRT, dahil sa punuan ang lahat ng bagon dahil na rin sa rush hour ay posibleng bumigay na naman ang tren, kasunod nito ay ang dalawang beses na pagtirk ng MRT bandang 9:44 ng gabi dahil sa technical problem sa Boni north bound at 10:08 ng gabi sa north bound ng Annapolis station.

December 9, muli na namang nakitaan ng mga taong naglalakad ng riles ng Metro Rail Transit 3 sa pagitan ng Santolan at Ortigas stations matapos umanong magloko na naman ang tren bandang alas 3:20 hapon.

Ayon sa isang pasahero na nakilalang si Haydee Arisazo, nakakahiya na umano ang MRT dahil may ilang turista siyang nakita kanina na sasakay ng MRT at ganito pa ang makikita.

Muli na namang nakaranas ng aberya ang mga commuters ng MRT3 matapos silang pababain dahil sa umano’y door failure naman sa Boni Station, Mandaluyong City kaya napilitan na bumaba ng tren ang mahigit 900 pasahero dahil sa pagka-hang ng pinto na kung saan ay bigla umanong bumubukas habang ang ilang pinto naman ay hindi magbubukas kaya inabisuhan na lamang ang mga pasahero na lumipat ng tren bandang alas 7:09 ng gabi.

Nauna rito ay nagkaroon din ng door failure sa southbound ng North Avenue station bandang alas 4:13 ng hapon na kung saan ay pinababa ang mga pasahero.

December 2, bandang 11:26 umaga sa south bound ng Cubao station dahil sa technical problem.

Sawang-sawa na ang mga commuter sa iba’t ibang alibis ng pamunuan ng MRT subalit wala sila ng magawa dahil ito ang mabilis na access patungo sa kanilang pupuntahan dahil sa grabeng trapik sa kalsada partikular na sa Edsa.

Kabilang na dito ang problema sa automated train protection (ATP) system, technical problem, sinabotahe daw, at iba pa pero, no choice ang mga commuters.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DoTR), inaasikaso na nila ang mga nagaganap na sunud-sunod na aberya ng MRT at LRT at asahan na magbabago na ito sa susunod na taon dahil binawi na ng DOTr ang maintenance ng MRT nitong Oktubre mula sa Busan Universal Rail Inc. dahil sa madalas na mga aberya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?