75
build
May 29, 2018 @ 19:25
By

11K trabaho, alok sa ‘Build, Build, Build’ program

Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na may halos 11,000 trabaho silang nakalaan sa mga manggagawa.

Aniya, ang naturang bilang ng mga trabaho ay para sa lahat ng proyekto na nasa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng gobyerno.

Sinabi pa ni Villar na ang mga trabaho na maaaring pagpilian sa www.build.gov.ph ay unang batch lang ng job openings.

Banggit ni Villar, higit sa 100,000 trabaho ang inaasahan nilang malilikha ng lahat ng kanilang construction projects.

Sabi pa nito, hindi lahat ng trabaho ay nandito sa Metro Manila, kundi maging sa Visayas at Mindanao.

Aniya, sa pamamagitan ng website ay magiging madali na ang paghahanap ng trabaho sa construction sector.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?