48

Mar 30, 2020 @ 10:33
By

11K kawani sa CAR humiling ng ayuda

Nasa 11,800 na empleyado ng Cordillera Administrative Region (CAR) ang nag-apply sa P5,000 financial assistance program ng Department of Labor & Employment (DOLE).

Ayon kay DOLE-Cordillera regional director Exequiel Ronie Guzman, ang mga naturang kawani ay apektado sa sitwasyong dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Guzman, nanggaling ang mga empleyado sa 786 gusali sa rehiyon.

Kapag aniya maaprubahan ang lahat ng aplikasyon ay makapapamahagi ang DOLE-Cordillera ng mahigit sa P58 milyong halaga ng tulong-pinansiyal.

Nagpapatuloy aniya ang aplikasyon ng mga apektadong empleyado ng buong lalawigan.

Ayon kay Guzman, posibleng magsisimula ang pamamahagi ng P5,000 na tulong-pinansiyal sa Cordillera sa Abril 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?