funds
By

11K ‘biyak-biyak’ sa P10B human rights fund

Sharing is caring!

INILABAS na ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) ang pinal na listahan ng mga makikinabang sa P10 bilyon na nabawi sa sinasabing nakaw na yaman ng pamilyan ng yumang Pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni HRVCB Chairperson Lina Sarmiento nalinis na nila ang listahan ng mga human rights claimants.

Aniya mula sa 75,730 ay bumaba na sa pinal na bilang na 11,103 ang nasa kanilang listahan.

Ang mga ito ay makakatanggap mula P176,000 hanggang P1.76 milyon mula sa P10 bilyon na bahagi sa narekober ng gobyerno mula sa mga Marcoses.

Natunton ang pera mula sa isang bangko sa Switzerland at ang mga makikinabang dito ay ang mga napatunayang naging biktima ng Batas Militar noong administrasyong-Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?