28

Sep 26, 2020 @ 22:22
By

11K bata sa Pasig binigyan ng mga food pack, vitamin

Para masigurong manatiling malusog ngayong pandemya, 11,000 na bata ang tumanggap ng mga food pack at vitamin mula sa Pasig City government.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nasa 6,095 day-care pupil at 4,905 Supervised Neighborhood Play (SNP) kid ang nabigyan ng mga pagkain at nutri-pack.

Hinatid iyon ng mga day-care worker, SNP leader at health worker mula September 9-16.

Sa YouTube video, pinakita ni Sotto ang mga nutripack na naglalaman ng mga masustansiyang snack na may Sangkap Pinoy seal at vitamins.

May laman naman ang pinamigay na mga family food pack ng bigas, de-lata at noodles.

Mula ang mga food pack sa local government at Department of Social Welfare and Development-National Capital Region.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?