55

iPhone X mabibili na sa PHL sa halagang P64K

Sharing is caring!

Kung may budget kayo, maari na ninyong mabili ang iPhone X dahil nasa Pilipinas na ito ngayon.

Ayon sa website ng Apple, available na online para sa mga Philippine buyers ang iPhone X na 64GB model sa halagang P64,490 habang ang 256GB model naman nito ay mabibili sa halagang P73,990.

Sa US, ang 64GB ay mabibili ng $999 para sa 64GB model habang$1,149 naman para sa 256GB model.

Maari rin itong makuha sa pamamagitan ng plans. Ang Globe ay nag-aalok ng P3,399 (Plan 1799 + P1,600 device fee) para sa 24 months habang ang Smart naman ay ibibigay ito sa plan na P3,199/month (Plan 1,499 + P1,700 device fee).

Ang iPhone X na ang pinakamahal ng phone na inilunsad ng Apple. Wala na itong home button hindi tulad sa mga dating nitong mga telepono.
Wala na rin itong fingerprint sensor dahil pinalitan na ito ng FaceID na siyang mag-u-unlock ng phone kapag na-recognize na ang mukha sa tulong ng “TrueDepth” infrared camera.

Ang iPhone X ay may tatlong camera, isa sa harap, at dalawa sa likod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,