By

Duterte nag-shopping sa Greenbelt, Makati

Sharing is caring!

Naispatan ng mga mall shopper si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang high-end shopping mall sa Makati City noong Lunes ng hapon.

Hindi inaasahan ng mga shoppers sa Greenbelt 5 na makikita ang Presidente kasama si Special Assistant to the President Bong Go at mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Bumili ang Pangulo ng backpack sa Tumi, isang American brand na medyo may kamahalan ang presyo.

Ang biniling bag ay maaari umanong magkasya ang isang baril.

Sinabi naman ni Go sa isang text message na Tumi backpack ang binili ng Presidente para lalagyan ng mga magazine ng baril.

“Tumi backpack, lalagyan ng magazine,”ang maikling text message no Go.

Ang Pangulo ay kilalang mahilig sa baril.

Pagkatapos bumili ng bag ay kumain ang Pangulo sa Fely J’s restaurant, na ang mga niluluto ay pagkaing pinoy .

Ang mall visit ni Pangulong Duterte ay hindi ipinaalam at wala ring ipinalabas na official schedule nito ngayong Lunes. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?