133

Dec 22, 2017 @ 18:14
By

Daan-dang stranded OFWs sa HK, makakauwi sa Pasko – DFA

Tutuparin ng Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment ang hiling ng mahigit 1,000 OFWs sa Hong Kong na makauwi sa bansa ngayon Pasko.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na inaprubahan ng Malakanyang ang kanilang panukala ni Labor Sec. Silvestre Bello III na iuwi ang mga OFWs na nabentahan ng ‘invalid plane tickets’ ng Peya Travel.

Ayon kay Cayetano, na siya rin co-chair ng Cabinet Cluster on Overseas Workers, sasagutin na nila ang round trip na pasahe ng mga OFWs.

Dagdag pa nito, kung kakailanganin nakahanda na rin ang C130 transport plane ng Philippine Air Force na sunduin ang mga OFWs sa Hong Kong.

Kasabay nito, ipinagutos na rin ni Cayetano sa Phillipine Consulate General na sampahan ng mga kaso ang travel agency na nanloko sa mga Filipino. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?