344

Dec 4, 2017 @ 22:43

Babaeng nawalan ng malay sa MRT, pumanaw na sa ospital

Patay ang 26 anyos na babae nang mawalan ito ng malay at namatay habang sakay ng Metro Rail Transit (MRT3) Lunes ng umaga.

Sa report ng Department of Transportation (DOTr), sakay si Marielle Ann Mar ng southbound train nang mawalan ito ng malay habang papalapit ang tren sa Ortigas Station alas-9:48 a.m.

Inalalayan si Mar ng mga security guards at ng mga staff ng MRT para bigyan ng first aid.

Hindi nagtagal ay dinala ito sa Victor R. Potenciano Medical Center subalit pumanaw ito alas-12:05 ng tanghali.

Hindi pa natukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DOTr sa pamilya ni Mar at nangakong tutulong sa gastusin sa ospital at pagpapalibing nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?