20

Jul 18, 2021 @ 18:12
By

117 dagdag sa namatay sa COVID

Nadagdagan ng 117 ang bilang ng mga nasawi sa COVID sa bansa ngayong Linggo, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Dahil dito ay umakyat na sa 26,714 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa virus.

Sa mga bagong nadagdag sa listahan ng mga namatay, 82 dito ang unang nakasama sa mga nakarekober ngunit matapos ang validation ay napag-alamang patay na pala ang mga ito.

Samantala, sumampa na sa 1,507,755 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID matapos makapagtala ang ahensya ng 5,411 na mga panibagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling ay nadagdagan ng 5,439 at ngayo’y umabot na sa 1,433,851.

Ang mga aktibong kaso ay 47,190, kung saan ang mga may mild symptoms at asymptomatic ang bumubuo sa 94.8% sa bilang na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?