36

Aug 5, 2021 @ 16:23
By

116 pa sapol ng Delta variant

Dagdag 116 katao ang tinamaan ng Delta variant sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) sa 116 bagong Delta variant case, 95 ang local case, isa ang Returning Overseas Filipino (ROF) at 20 ang bineberipika pa kung local o ROF.

Sa 95 local case, 83 ang naka-address sa National Capital Region, tatlo sa CALABARZON, apat sa Central Visayas, dalawa sa Davao Region at tig-isa sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley at Ilocos Region.

Lahat umano ay mga nakarekober na.

Bunsod nito, umakyat sa 331 ang kumpirmadong kaso ng Delta variant sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?