6

Feb 26, 2021 @ 14:53
By

113 pagyanig naitala sa Bulkang Taal sa loob ng 1 araw – Phivolcs

Naitala sa Bulkang Taal ang 113 pagyanig na nagtagal mula isa hanggang 34 minuto sa loob ng 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Biyernes.

Ayon sa ahensya, mas mataas ito kumpara sa 69 pagyanig na nagtagal mula isang minuto hanggang isang oras na naitala noong Huwebes.

Ayon sa bulletin ng Phivolcs, naglabas din ng weak steam-laden plumes ang naturang bulkan.

Nanatili naman sa Alert Level 1 ang Taal kung saan inaasahang maaari itong magdulot ng mga pagsabog, volcanic earthquake at ashfall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?