134

Dec 22, 2017 @ 19:37

Meralco Bolts wagi sa Blackwater Elite, 103-98

Nasungkit ng Meralco Bolts ang una nilang panalo sa 43rd PBA Philippine Cup nang pataubin ang Blackwater Elite, 103-98, sa Cuneta Astrodome.

Naging tinik sa panig ng dati niyang koponan na Elite si Niño Canaleta matapos magtala ng 25 points, walong rebounds at dalawang assists.

Pumana ng 3-pointer ang beteranong si Canaleta upang sawatain ang rally ng Blackwater sa dulo ng laro.

Rumesponde naman para sa Elite si Allein Maliksi na umiskor ng 16 at anim na rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?