3,191

By

Mas matindi ang mass killings sa US kesa sa EJKs sa PHL – Sotto

Sharing is caring!

Tila naasar si Senate Majority Leader Tito Sotto sa mungkahi ng mga senador sa America na komprontahin ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa human rights violations at extrajudicial killings dito sa Pilipinas.

Ayon kay Sotto, wala sa lugar ang hirit ng mga Amerikanong mambabatas dahil pakikialam na ito sa mga nagaganap ditto sa bansa.

Kapag ginawa ito ni Trump, dapat umanong isumbat naman ni Duterte ang mass shootings sa America na resulta ng maluwag doong pagbibitbit ng baril ng mga sibilyan.

“Mga pakialamero! Ok then! Let’s take up with Trump the mass killings of American citizens and their issue on gun control!”pahayag ni Sotto.

Nitong mga nakaraang taon, ilang insidente ng pamamaril ng sibilyan ang ikinasawi ng marami sa iba’t ibang bahagi ng America.

Pinakahuli nito ang nangyari sa Sutherland Springs, Texas nitong Nobyembre 5 kung saan isang lalaki ang walang habas na namaril ng mga nagsisimba sa Baptist Church.

Patay doon ang 26 na nagsisimba habang 20 ang sugatan.

Itinuturing naman na pinakamalagim na mass shooting doon ang pamamaril ng isang senior citizen sa isang casino hotel sa Las Vegas noong Oktubre 1.

Limampu’t walo ang patay at mahigit 500 ang sugatan dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?