44

By

Hindi pagpapapogi ang pagsakay ko sa MRT, LRT – Roque

Sharing is caring!

Umani ng puna at batikos ang ginawang pagsakay sa Metro rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) ni Presidential Spokesman Harry Roque para personal na maranasan ang araw-araw na kalbaryo ng mga commuters.

Sinabi kahapon ni Roque na hindi “papogi” at lalong hindi publicity stunt ang ginawa nitong pagsakay ng train mula Nort Station ng MRT hanggang sa Central station ng LRT .

Ayon sa kalihim, ginawa niya ang pagsakay sa mga train para may maiulat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na pulong ng gabinete batay sa kanyang personal na karanasan.

Sinabi ni Roque na medyo siksikan pagsakay sa MRT pero sa LRT ay medyo maluwag at malamig ang airconditioning unit.

“Nais malaman ng Presidente yung pulso ng publiko. Makakarating lahat itong aking kanarasan sa pulong ng gabinete. Ang LRT dere-derecho naman, mas maliit siya pero ito malamig talaga. Pero konti lang ang naririnig nating reklamo ng LRT, napakatanda na nito pero sanay na sanay na silang i-operate at nagma-maintain nito, walang kontrobersiya,” pahayag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na para mawala ang problema s a traffic ay kailangang magkaroon ng maraming bagon para mas marami ang makasakay at magkaroon ng maayos na maintenance provider.

“Ang ating experience ngayon, ok naman meron lang talagang kakulangan ng bagon , at maiibsan ang problema , perwisyo sa mananakay kung madadagdagan ang mga bagon. Hindi ito ang huling beses na sasakay ng MRT at LRT dahil importante na mapulsuhan at maramdaman natin ang dinadanas ng mga commuters sa kanilang araw araw na buhay,” dagdag pa ng kalihim.

Batay sa mga batikos sa social media, ilang netizen ang nagsabing dapat sumakay si Roque sa MRT at LRT sa rush hours at hindi kung kailan nakapasok na sa mga paaralan at trabaho ang karamihan sa mga pasahero. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?