43

Dec 22, 2017 @ 16:01

Cavs tinapos ang 7-game win streak ng Bulls, naigapang ang 115-112 panalo

Nakabalikwas agad mula sa pagkatalo sa Bucks ang Cleveland Cavaliers at pinutol din ang seven-game win streak ng Chicago Bulls, 115-112, nitong Huwebes (Biyernes, Manila time).

Namuno ulit sa puntos si LeBron James sa naitalang 34 at naibalik sa panalo ang Cavs (24-9).

Kinailangang makipaggirian hanggang sa huling segundo ang Cleveland para putulin ang win streak ng Bulls.

Matapos kasing makaabante ng 10 puntos ang Cavs sa kaagahan ng fourth ay hindi tumiklop ang Bulls at naitabla sa 96-all ang iskor.

Nagawa namang makasagot sina Kyle Korver at Kevin Love ng siyam na pinagsamang puntos sa last two minutes ng laro para muling umabante ang Cavaliers, 105-101.

Sumabay ng four-point play si Bulls rookie Lauri Markkanen kay LeBron para hindi makaungos nang husto ang Cavs, 109-106.

Naibaba pa ni Denzel Valentine ng Bulls sa isa na lang ang lamang, 113-112, bago nailayo ulit ni James sa free throws ang iskor at lumamang ulit sila ng tatlo sa 11 segundong nalalabi.

Natapal ni Dwayne Wade ang 3-point attempt ni Kris Dunn para itabla ang iskor habang nagmintis din si Valentine sa sarili niyang subok na dalhin sa OT ang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?