46

Jun 14, 2019 @ 13:28
By

1,113 pasaway dakip sa EPD operation

Umaabot sa 1,113 mga pasaway ang nahuli sa magdamang crime operations ng ikinasang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations(SACLEO) kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng Eastern na ikinakasa sa magdamagang operation na nagtapos kahapon ng umaga.

Batay sa report, 23 pasaway ang nahuling sa kasong drinking in public places, nasa 174 katao ang arestado sa smoking ban, 21ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 36 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 859 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 778 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 244 ang arestado ng Mandaluyong Police, 66 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 25 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?