Senado lilipat sa BGC sa 2020

Sharing is caring!

Magpapatayo na ang Senado ng sariling gusali at balak nila itong itayo sa taong 2020.

Sa boto ng 14 na senador, dalawa lamang ang kumontra, ipinasya ng kapulungan na magpatayo ng gusali sa Fort Bonifactio sa Taguig City.

Mas praktikal umanong magkaroon na sila ng sariling gusali kaysa ipagpatuloy ang pagrenta sa GSIS at SSS.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on accounts, umabot na sa P2.24 bilyon ang ibinayad na renta ng Senado sa gusali ng GSIS at parking lot ng SSS mula noong Mayo 1996 hanggang Disyembre 2017.

Sana raw ay ipinagpatayo na lang ang nasabing salapi ng panibagong gusali para sa Seando.

“Suffice it to say, Mr. President, that for over 20 years, the cost of our lease payments have probably become enough to construct an iconic, permanent Senate building,” ayon kay Lacson.

Sa rekomendasyon ni Lacson na inaprubahan ng mayorya, bibilhin ng Senado ang may 20,000 square meter na lote sa dating Navy Village sa Fort Bonifacio.

Ibinebenta iyon ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) sa presyong P1.8 bilyon na babayaran sa loob ng 10 taon.

“Based on their proposed timeline, the construction of the Senate building can start on the third quarter of 2018 and be finished by the third quarter of 2020,” sabi ni Lacson.

Labimpitong taon na aniyang pinagplanuhan ang paglipat ng Seando sa sariling gusali pero ngayon lang matutuloy kung sakali.

Bumoto para sa paglipat ng Senado sa BGC sina Senador Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, Sen. Franklin Drilon, Sen. JV Ejercito, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Richard Gordon, Sen. Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Grace Poe, Sen. Ralph Recto, Sen. Tito Sotto, Sen. Joel Villanueva, Sen. Juan Miguel Zubiri at Senate President Koko Pimentel.

Tumutol sina Sen. Bam Aquino at Sen. Risa Hontiveros dahil noon pa raw nila inirekomenda sa Antipolo, Rizal ang pagpapatayo ng gusali ang Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?