105
escaped-prisoners
Jul 29, 2018 @ 15:48
By

11 tumakas sa Bacoor jail arestado muli, 12 tinutugis pa

Naibalik na sa kulungan ang 11 sa 23 tumakas mula sa bilangguan ng Bacoor City, Cavite.

Pinakahuling nadakip nitong Sabado ng gabi ang dalawa na nakilalang sina Ferc Leo Melendrez na nahuli sa Meycauayan, Bulacan at Norberto Hidalgo na nadakip sa Cavite City.

Kapwa nahaharap sa kasong pagnanakaw ang dalawa.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Police Superintendent Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City Police, na nakakatanggap na sila ng abiso na gusto nang sumuko ng 12 iba pang tumakas dahil nadakip na ang kanilang mga kasamahan.

Nakatakas ang mga preso ng Bacoor City Police Custodial Center noong Biernes ng hapon.

Sinamantala ng mga preso ang pagpasok ng isang bagong bilanggo.

Karamihan ng tumakas ay nahaharap sa illegal drug cases na dati na umanong umaangal sa siksikan ng kulungan.

Sa ngayon, bawal muna ang bisita sa bilangguan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?