57

Aug 17, 2019 @ 16:56
By

11 sugatan sa salpukan ng jeep, SUV

Sugatan ang 11 pasahero ng jeep makaraang salpukin ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV), Sabado ng umaga sa Sorsogon City.

Base sa report, naganap ang aksidente alas-6:04 ng umaga (Agosto 17) sa Barangay Pampang.

Nakatulog umano ang driver ng SUV habang nagmamaneho pauwi ng bahay sa Barangay Rizal.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver at agad na sumalpok sa paparating na jeep na patungo naman sa bayan ng Irosin at doon na nagmula ang disgrasya na ikinasugat ng 11 pasahero nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Sorsogon Police upang makasuhan ang driver ng SUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?