7
pulis-pnp
By

11 pulis pinatawan ng kasong administratibo

Sharing is caring!

Ilang tauhan ng Northern Police District (NPD) ang sinampahan ng kasong administratibo dahil sa iba’t ibang paglabag.

Base sa datos na inilabas sa District Advisory Council Meeting, nasa tatlong PO1, limang PO2, dalawang PO3 at isang SPO1 ang sinampahan ng simple neglect at less grave neglect of duty.

Kasama sa mga kasong administratibo ng 11 pulis ay pagtulog habang naka-duty, AWOL (absent without official leave), pag-absent sa mga importanteng okasyon at hindi pagsasauli ng service firearms.

Ayon kay NPD Chief Directorial Staff Sr. Supt. Benjamin Silo Jr., ang pagdisiplina umano sa kanilang mga tauhan ay bahagi ng kampanya ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na internal cleansing o pagdisiplina sa puwersa ng pulisya.

Aminado rin ito na hindi sapat ang anim na buwang training ng mga baguhang pulis na karaniwang nasasangkot sa mga paglabag kaya upang madisiplina ang mga lumabag ay patuloy ang ibinibigay nilang seminar at pagsasanay sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?