By

11 pulis na bashers ni Albayalde, ipinatapon sa Mindanao

Sharing is caring!

Inilipat na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang 11 na pulis na kanyang naging bashers sa Facebook account na “Buhay Lespu”, sa lalawigan ng Sulu.

Sinabi ni Albayalde na hindi sapat ang kanilang tauhan sa lalawigan ng Sulu upang mapanatili ang kaayusan sa lugar kaya doon itinalaga ang mga pulis.

“Yes. They have been relieved and reassigned to Sulu because Sulu lacks personnel for the maintenance of peace and security in that area,” sabi ni Albayalde.

Ito aniya ay paraan din nila para hindi maimpluwensyahan ng mga pulis na ito ang iba pang matitinong pulis.

Paglilinaw naman ni Albayalde, hindi parusa sa mga pulis ang reassignment dahil ang parusa sa kanila ay patawan ng conduct unbecoming of a police officer.

Kahapon ay humarap mismo kay Albayalde ang siyam sa 11 na pulis na bashers niya sa Facebook.

Kaugnay nito, may 20 pulis pa ang natukoy ng PNP na Facebook bashers din ni Albayalde na ngayon ay inaasahang ipapatawag din ng Directorate for Intelligence and Detective Management sa mga susunod na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?