2

Feb 23, 2021 @ 16:58

11 Pinoy sa abroad sapul ng COVID-19

Umakyat na sa 14,812 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nasapul ng COVID-19 matapos maitala ang 11 bagong kaso kahapon.


Sumampa naman sa 9,309 ang bilang ng mga nakarekober matapos maitala ng Department of Foreign Affairs ang karagdagang 8 gumaling kahapon.

Nanatili naman sa 1,014 ang death toll rate ng Pinoy sa abroad.

Kasalukuyang sumirit na sa 4,489 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpagagaling mula sa naturang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?