62

Dec 30, 2017 @ 14:31

11 patay sa shooting incident sa Egypt

Patay ang 11 na katao matapos mamaril ang isang lalaki sa Coptic church at isang Christian-owned shop sa Cairo, Egypt.

Sa inisyal na report, siyam na katao ang nasawi sa simbahan kabilang ang isang pulis na nagbabantay sa labas nito.

Kinumpirma naman ng Interior Ministry na naaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek na sinasabing namaril muna sa isang shop kung saan dalawa ang namatay bago ito nagtungo sa Mar Mina church sa timog ng Cairo.

Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa pag-atake, sa pahayag nito sa Amaq news agency ngunit hindi naman sila nagbigay ng ebidensiya hinggil sa pag-ako ng krimen.

Naglagay na ng seguridad sa palibot ng simbahan para sa nakatakdang selebrasyon ng Coptic Christmas sa Enero 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?