43

Jul 6, 2020 @ 19:49
By

11 ospital sa Metro Manila, puno na sa COVID patient

Abot sa 11 ospital sa Metro Manila ang nagdeklara na ng full capacity sa kanilang mga COVID-19 ward.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nag-report na ng 100 percent utilization rate ang 11 ospital kabilang ang: Veterans Memorial Medical Center, UST Hospital, University of Perpetual Help Medical Center, Tondo Medical Center, Seamen’s Hospital, Philippine Children Medical Center, Metro North Medical Center and Hospital, Las Piñas Doctors Hospital, De Los Santos Medical Center, Chinese General Hospital and Medical Center at Capitol Medical Center.

Samantala, sa Lung Center of the Philippines ay mayroon nang 97 percent na utilization rate, samantalang sa East Avenue Medical Center ay may 89-percent.

Nilinaw naman ni Vergeire na para lamang ito sa mga COVID-19 bed at hindi capacity ng buong ospital.

“When we talk about the percentage of beds that had been occupied already, it is not equivalent to the entire capacity of the hospital. Here, we are just referring to the dedicated beds for COVID,” paliwanag ni Vergeire.

Sa ngayon ay nasa 63.41-percent ng critical utilization rate ang mga ospital sa Metro Manila, na nilarawan ng DOH bilang ‘moderate risk level’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?