20

Oct 15, 2020 @ 21:11
By

11 OFW hinarang sa Dubai

Nasa 11 OFW ang hinarang sa Dubai noong Oktubre 9, 2020

Ayon kay Philippine Mission to Dubai head Consul General Paul Raymund Cortes, nabigo ang naturang mga OFW na kumuha ng approval mula sa mga ahensiya ng UAE government.

“There were 11. They have been flown back,” sambit ni Cortes sa ulat ng GMA.

Pinasakay ang mga OFW sa sumunod na flight para makauwi sa Pilipinas, na binayaran ng airline.

Magugunitang naglabas ng advisory ang Philippine Consulate General kung saan inabisuhan ang mga magbabalik OFW sa UAE sa pamamagitan ng Dubai International Airport na kumuha ng approval mula sa mga concerned government agency bago ang kanilang departure para masiguro ang kanilang re-entry sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?