80

Feb 8, 2021 @ 16:29
By

11 modern jeep hinarang sa QC

Sinita ng mga kawani ng Inter-Agency Council For Traffic (I-ACT) ang mga drayber ng 11 modern jeep na pumasada sa Commonwealth Avenue, Quezon City kanina.

Ayon kasi sa I-ACT at Land Transportation Franchising and Regulatory Board, hindi pa maaaring bumiyahe ang mga naturang jeep kahit may provisional authority na sila sa nasabing ruta.

Anila, kailangan pang mag-apply ng mga drayber para sa QR code na nilalagay sa sasakyan na magpapatunay na aprubado nga ang kanilang ruta.

Ayon sa ulat, kasalukuyang naka-impound ang mga jeep at kailangang magmulta ng mga operator ng P5,000 para mabawi ang kanilang mga behikulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?