By

11 lugar dumanas ng ‘dangerous level’ ng init

Sharing is caring!

Ilang araw pa lang matapos opisyal na ideklara ang panahon ng tag-init sa bansa, may mga lugar sa Pilipinas ang nakakaranas na ng heat index o “init factor” na maituturing na nasa “dangerous level”.

Ito ang ibinahagi ng PAGASA sa pagsasabi na alas-dos ng hapon kanina nang makapagtala ng 41 degrees Celsius o higit pa na heat index sa 11 lugar sa bansa.

Sa Dagupan City naitala ang 45.2 degrees Celsius na heat index habang ang temperatura naman ng hangin ay naitala sa mainit na 34.9 degrees Celsius.

Ang iba pang mga lugar na nakapagtala ng mataas na heat index ay ang Ambulong, Batangas; Cabanatuan, Nueva Ecija; Casiguran, Aurora; Subic Bay, Olongapo; Cuyo, Palawan; Dauis, Bohol; San Jose, Occidental Mindoro; Sangley Point, Cavite; Tuguegarao City, Cagayan; at Zamboanga City.

Paliwanag ng weather bureau, ang heat index na papalo sa pagitan ng 41 hanggang 54 degrees Celsius ay maituturing nang “dangerous”.

Kinakailangan na mag-ingat ang lahat sa heat cramps, exhaustion at heat stroke.

Ang mas mainit pa sa naturang temperatura ay itinuturing nang “extremely dangerous”.

Ang “heat index” o “init factor” ay ang nararamdaman ng katawan ng tao at ito ay mas mataas pa sa temperatura na naitatala ng PAGASA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?