23

Dec 4, 2020 @ 9:35
By

11 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon

11 lindol ang naitala sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, mahinang nagpakawala rin ang bulkan ng puting steam-laden plume na umabot sa 300 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 336 tonelada kada araw noong Nobyembre 24.

“These parameters may indicate hydrothermal or magmatic processes occuring beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa 8 a.m. bulletin nito, Disyembre 4.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan pa rin itong kalagayan at pumasok na sa “period of unrest”.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Kanlaon, dahil maaari anilang maganap ang biglaan at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?