40
Carwash boy
By

11 katao patay sa Pittsburgh synagogue massacre

Isang lalaki ang pinasok ang isang sinagoga sa Pittsburgh at biglang sumigaw ng kontra sa mga Hudyo, tapos ay nagpaulan ng bala na ikinasawi ng 11 katao.

Umabot sa 20-minuto ang naging gun spree ng suspek na si Robert Bowers, sa Tree of Life Congregation sa Squirrel Hill, na ikinasugat din ng anim na katao, kasama ang apat na pulis na rumesponde sa nasabing insidente.

Nakipagpalitan ng putok si Bowers sa mga awtoridad, at nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan. Naisugod sa ospital ang suspek at nasa maayos pang kalagayan.

Kakasuhan si Bowers ng 29 federal counts, kabilang na ang mga hate crime at pagdadala, pagpaputok ng baril.

Saad ng awtoridad, pinasok umano ni Bowers ang synagogue bago mag alas-diyes ng umaga, at may bitbit nang assault rifle at tatlong handgun.

Nangyari ang serye ng pagpapaputok ng baril sa kasagsagan ng tatlong service sa Tree of Life, kabilang na ang isa na sentro ang isang sanggol, na masuwerteng nakaligtas sa nasabing insidente.

“It is a very horrific crime scene,” saad ni Wendell Hissrich, Pittsburgh public safety director. “It’s one of the worst that I’ve seen.”

Nabahala naman ang head ng FBI Pittsburgh na si Bob Jones sa talmak na hate crime sa kanilang bansa, na sinabing hindi katanggap-tanggap ang pagkamatay ng 11 katao dahil lamang sa kanilang relihiyon.

Sa social media account sa Gab ni Bowers, makikita ang pagkamuhi nito sa mga Jews, na may nakalagay pang Neo-Nazi symbol, pati na rin ang isang lumalagablab na oven, na matatandaang ginamit upang masunog ang mga Hudyo noong World War II.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?