1,577

Nov 28, 2017 @ 11:48
By

11 katao, kabilang ang model, engineer tiklo sa drug raid

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 11 kalalakihan, karamihan ay mga propesyunal, sa isang raid sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City Linggo ng umaga.

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino, target nila ang model na si Edmond Remegio at model-singer Pedro “Malik” Coronel Jr., na supplier diumano ng party drugs sa mga celebreties at bar patrons sa BGC.

Si Remegio diumano ang nagpasimuno ng party subalit niya ito at sinabing na-frame up lang siya.

Sa nasabing raid, nadatnan ng mga tauhan ng PDEA ang mga sumusunod:

Manuel Valdes, 34, insurance agent
Jake Tolentino, 33, insurance processor
Jose Carlo Torres, 38, engineer
Mario Aclan, 27, makeup artist
Leo Angelo Padasan, 28
Jevel Lucero, 22, student
Carlo Kasala, 25, opthalmologist
Legui Brylle Gonzales, 28
Bryan Dizon, 20, software developer

Naregober naman sa raid ang mga party drugs tulad ng “ecstasy,” crystal meth o “shabu,” at GBL or gamma hydroxybutyrate, o iyong tinatawag na “club drug” o “date rape drug” na madalas inihahalao sa alak.

Kkakasuhan ng drug peddling sina Remigio at Coronal habang ang siyam na iba pa ay kakasuhan naman ng paggamit ng iligal na droga. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?