105

Jan 8, 2021 @ 14:06
By

’11 kasama ni Dacera sa party pawang bakla’

“Absurd” ang sinasabi na ni-rape at pinatay si Christine Dacera ng isa sa 11 kasama nito sa New Year’s Day party, ayon sa isang suspek, kasi lahat ng mga ito ay miyembro ng LGBT+ community.

Sabi pa ni Valentine Rosales na isa sa mga respondent sa umano’y rape-killing case, napilitan siyang magladlad sa kanyang pamilya dahil sa isyu.

“It is absurd kasi first of all, pa’no magiging rape with homicide itong incident na ‘to? Sobrang napilitan ako na i-come out na sarili ko na bakla ako sa buong family ko, kasi iyon ang totoo e,” reaksiyon ni Rosales sa sinasabing ang flight attendant ay ginahasa at pinaslang.

“Gay po kami and walang straight na lalaking [nasa] party na iyon,” aniya pa na patungkol sa 11 kasamahan ni Dacera sa pagtitipon.

Nag-party sina Dacera, Rosales, at iba pang kasamahan sa 22nd floor ng City Garden Hotel sa Makati para ipagdiwang ang Bagong Taon.

Tanghali ng Enero 1, natagpuang walang malay si Dacera sa bathtub ng kanyang hotel room. Sinugod siya sa Makati Medical Center pero dineklarang patay ng mga doktor.

Samantala, kakulangan ng ebidensiya ang dahilan kaya hindi pinasampa sa korte ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamong rape with homicide laban sa 11 katao na iniuugay sa pagkamatay ni Dacera.

Naghahanap naman ng iba pang hotel footage ang legal team ng pamilya Dacera para malaman kung ano talaga ang nangyari sa biktima bago ito masawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?