20

Dec 24, 2017 @ 14:34

11-game winning streak ng Warriors pinutol ng Nuggets

Pinamunuan ni Gary Harris sa kanyang 19 points ang balanseng opensa ng Denver para wakasan ang 11-game winnin streak ng Golden State sa pamamagitan ng impresibong panalo 96-81 kanina.

Nagdagdag ng 18 points at 9 na rebounds si Nikola JOkic habang may 14 points, six rebounds at five assists si Jamal Murray. Nalimitahan ng Nuggets ang pinakamababang iskor ng Warriors ngayong season.

Samantala, nagtala naman ng 18 points at six rebounds si Kevin Durant sa panig ng Golden State na nagbuslo lamang ng anim sa 17 tira at nagmintis ang limang tira nito sa rainbow territory.

Ang nagbabalik na si Draymond Green ay nakapagtala lamang ng 10 points, six assists at five rebounds sa kanyang second game matapos lumiban ng limang laro dahil sa pamamaga sa kanyang kanilang balikat.

Si Klay Thompson ay may 15 points subalit 6 for 21 lamang sa kanyang mga tira at isa lang ang naisalpak sa 10 attempt sa 3-point country.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?