219
jeep-bangin
Jun 27, 2019 @ 22:34
By

11 estudyante dedo sa bus na bumulusok sa bangin

Nasa 11 mag-aaral ng computer coaching institute ang nasawi nang malaglag sa malalim na bangin ang sinasakyan nilang minibus nitong Huwebes sa Shopian District, Kashmir, India.

Patungo umano ang mga estudyante sa Dhobijan para mag-picnic matapos ang coaching class sa Poonch.

Dumulas ang bus habang paliko sa pakurbang daan ang driver kaya nahulog ang sasakyan sa bangin.

Nakiramay sa nangyari si Jammu and Kashmir Governor Satya Pal Malik at inanunsiyo ang compensation sa kada kapamilya ng mga nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?