55

By

11 dalagita sinagip mula sa bugaw

Sharing is caring!

Nasa 11 menor de edad na kababaihan ang naligtas ng pinagsanib na puwersa ng Antipolo City Police at City Social Welfare laban sa isang lalaki na nagunguha umano ng mga menor de edad at sapilitang ibubugaw sa kanilang mga parokyano ang nahuli sa Antipolo City.

Ayon kay Rizal Provincial Director Police SSupt. Lou Frias Evangelista, nasagip ang nasa 11 kababaihan mula sa human trafficking at pag-aresto sa isang suspek na si Louie Albert Isla y Adano, 33-anyos, residente ng Block 6 Lot 4, Maris Town Homes, Barangay San Roque, Antipolo City.

Nakilala naman ang mga nasagip na menor de edad na sina Angel Cabia y Valencia, 15-anyos, grade 8 student at residente ng Florida St., Sitio Hinapao, Barangay San Jose, Antipolo City; Maybelyn Sto Domingo y Sanorjo, 14-anyos, grade 7 ng Sitio Biong, Barangay San Luis; Ampty Chavez y Jordan, 17-anyos, grade 11, ng Mindoro St., Sampaloc Manila; Charmie Olayvar y Frias, 15-anyos, grade 8 ng Bagong Purok, Barangay San Jose; Sofia Kate Reposar y Manuel, 15-anyos, grade 8 at residente ng Cristimar Village, Barangay San Roque, Antipolo City.

Kristine Joy San Gabriel y Calayca, 18-anyos, grade 9, residente ng Sitio Bagong Buhay, Tanag, Barangay San Jose; Leandra Marie Limjoco y Lakandula, 16-anyos, grade 8, ng Queenstown 1, Barangay San Luis; Jhazel Timario y Dela Rosa, 17-anyos, grade 9, ng Blk 2 Lot 5 Monteverde, Barangay Dela Paz; Rosaline Labasbas, 18-anyos, grade 9, ng Lawis Extension, Barangay San Luis; Andrea Chavez, 15-anyos, grade 10 ng Mindoro St., Sampaloc, Manila; at Ishi Casandra Soza y Almonia, 15-anyos, grade 8 at residente ng Panganiban Compound, Barangay Dalig, Antipolo City.

Batay sa report, nakatanggap ang Antipolo Police ng reklamo mula sa presidente ng Maris Town Homes Homeowners Association na matatagpuan sa Barangay San Jose, Antipolo City na ginagawang pick-upan ng mga babaeng bayaran ang kanilang subdibisyon na kung saan nakatira ang suspek.

Nabatid na kumalat na rin sa social media ang nagaganap na bentahan ng kababaihan sa Hallies Bar and Grill sa Gen. Sumulong Memorial Circle sa Barangay San Roque, Antipolo City at kinukuha ang mga babae sa loob ng subdibisyon na tinitirahan ng suspek.

Agad na kumilos ang pulisya at binulabog ang loob ng bar at nahuli naman ang suspek at nasagip ang mga menor de edad na babae.

Nasa kustodiya ngayon ng CSWD Antipolo City ang mga babae habang nakakulong naman sa Antipolo City Police Station ang suspek na sinampahan ng kasong human trafficker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?