206
11 checkpoint inilatag sa Dagupan City
Mar 17, 2020 @ 16:01
By

11 checkpoint inilatag sa Dagupan City

Nagtalaga ang Dagupan City ng 11 na checkpoint na pwedeng labasan at pasukan sa nasabing siyudad para sa precautionary measures sa coronavirus disease-2019 (COVID-19).

“At the checkpoints, anyone entering Dagupan City will be asked to present a valid identification card, contact number, and address. Body temperature will also be checked and anyone who will exhibit abnormal body temperature will be referred to the City Health Office for further medical assessment and recommendation,” anang Dagupan City LGU Public Information Office (PIO).

Ayon sa PIO, hinihikayat nila ang mga residete na mag mamalagi na lang sa kanilang bahay at lumabas lamang ito kung mag importanteng pupuntahan.

Sinabi ng Dagupan City PIO, ang mga checkpoint ay isasagawa ng Philippine National Police, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office, the Public Order and Safety Office, Public Information Office-Dagupan City, at ang 31 barangay captains.

Samantala, nagbaba ng executive order-22 (EO-22) si Dagupan City Mayor March Brian Lim para mahigpit na antayan ang COVID-19

“It covers the suspension of classes and other school-related activities from March 16 to April 12, 2020, subject to issuances from the national government and national government agencies, or upon assessment by the Task Force,” ayon sa EO-22

Ipinapatupad ng EO-22 na nagkaroon ng 14-days self-quarantine para sa OFW, bisita galing Metro Manila ang iba pang mga probinsya para magkaroon ng medical assistance upang makita kung positibo sita ng nasabing virus.

Inatasan din ni Lim ang 31 Health Emergency Teams (BHERTs) na e-monitor ang mga residente kung magroon mang may dala ng COVID-19.

“The city government will ensure the sufficient supply of basic needs, medicine, water, and others to the city,” ani Lim.

Matatandaan na ang Pangasinan ay nilagay sa community quarantine noong Lunes hanggang April 12, 2020 dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?