43

Mar 5, 2020 @ 14:57
By

11 bayan sa Isabela dinapuan ng ASF

Minomonitor ngayon ng Isabela Provincial Office ang posibleng pagkalat ng African swine fever (ASF) makaraang umabot na sa 11 bayan ang naapektuhan ng sakit ng mga baboy.

Ayon kay provincial veterinarian Angelo Naui, tinatayang nasa 22 village ng 11 bayan ang may ASF virus-positive hogs.

Kabilang dito ang Santiago village sa Reina Mercedes town; Pangal Sur in Echague; Turod at Alunan villages sa Quezon; Villa Miguel, Luna at Santa Lucia villages sa Quirino; Rang-ayan, Bimonton, Casili, San Jose Norte, Victoria at Centro Uno villages sa Mallig; Payac sa Jones; Malasin sa Aurora; Bantug, San Antonio at Villa Concepcion villages sa Roxas; District 2 sa San Manuel; Mabini at Union in Gamu, at Villa Miemban sa Cordon.

Nilinaw nito na pinagbabawal na ang nakasanayang pagkakatay ng mga baboy na pinapangpalit sa bigas, mais, o “uraga” sa wikang Ilocano.

Kasalukuyang binabantayan ng ahensiya ang mga papasok at lalabas na mga karneng baboy, processed pork at anumang meat product sa mga bayan at siyudad sa Isabela para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Matatandaang nasa 1,000 baboy na ang unang nakatay dahil sa pagkalat ng ASF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?