192

Jan 10, 2020 @ 15:59
By

11 babae na-rescue sa prostitution den sa Makati

Nasagip ang 11 kababaihan sa isinagawang pagsalakay ng mga operatiba ng Makati City Police sa isang KTV bar sa nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat, ni-raid ang KTV bar na pag-aari umano ng isang Shih Fang Chen sa loob ng isang hotel sa Burgos Street sa Barangay Poblacion dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Naaresto rito si Chen pati na ang 16 Chinese customer niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?