103

Mar 3, 2020 @ 14:58
By

11-anyos na dalagita, hinalay ng tindero sa Baguio

Dahil sa CCTV, arestado ang isang tindero matapos umanong dukutin at halayin ang isang 11-anyos na dalagita habang naglalakad sa Baguio City noong Lunes, ayon sa Baguio City Police Office (BCPO).

Ayon sa BCPO, makikita sa kuha ng CCTV sa overpass sa Harrison Road, ng nasabing siyudad ang paglapit ng suspek na nakilalang ni Nonog Pacle habang naglalakad na biktima.

Hindi tinigilan ng suspek ang dalagita hanggang sa makarating sila sa sakayan ng taxi kung saan tuluyan na umanong naisama ni Pacle ang biktima.

Dito, sa tulong ng kuha sa CCTV, nakilala ang suspek at nalaman kung saan siya nakatira at naaresto si Pacle sa kaniyang bahay sa siya namang nasagip ang biktima.

Sa imbestigasyon, ayon sa BCPO, tinakot umano ni Pacle ang biktima na papatayin kung hindi ito sasama sa kaniya at susunod sa kanyang mga utos.

Hindi nagbigay ng ano mang pahayag ang suspek hinggil sa pangyayari kung saan siya ay nakakulong sa BCPO jail at kasong kidnapping with rape ang sinampa laban sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?