260

By

11-anyos na bebot tigok sa suicide

Isang 11-anyos na babae ang diumano’y namatay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang pajama sa loob ng kanyang silid sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ngunit ayon kay Gonzaga Police Station (GPS) investigator P/Cpl. JynniJohn Somera, hinihintay na nila ang autopsy report ng Cagayan police Scene of the Crime Operatives upang malaman kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ni Rose (hindi tunay na pangalan).

Ayon kay Somera, iniwan ng mga kapatid ang Grade 5 na bata sa kanilang silid na nagtutupi ng mga damit para maglaro.

Subalit nang bumalik ang isa sa kanyang kapatid ay nakita niyang nakabitin na ang biktima sa kanilang kisame.

Ayon sa GPS, pinaalam agad ng kapatid ni Rose ang sitwasyon sa kanilang kapitbahay na tumulong naman umanong ibaba ang biktima.

Agad na sinugod sa ospital si Rose ngunit nalagutan na ito ng hininga bago pa makarating sa pagamutan, ayon sa mga doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?