132

11 anyos babae nalunod sa dam sa Ilocos Norte

Patay ang isang 11 taong gulang na batang babae matapos malunod sa isang dam sa Batac City, Ilocos Norte noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Rica Marzan, Grade IV student, at residente ng Barangay Nagtrigoan, bayan ng Pinili.

Naliligo ang biktima kasama ang ilang nitong mga kaklase sa dam nang malunod ito sa malalaim na bahagi ng lugar.

Wala namang nagtangkang magligtas sa biktima sa takot na baka sila rin ay malunod dahil sa lalim ng tubig doon.

Inabot ng ilang oras bago nakuha ng mga rescuers ang katawan ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?