4

Oct 17, 2020 @ 14:36
By

10PM-5AM curfew gustong panatilihin

Karamihan sa mga mayor mula sa Metro Manila ang nais manatili sa alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw ang curfew, ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing.

“As far as I know, the local governments in the National Capital Region maintain the position to keep [the current curfew hours],” sabi ni Densing sa Laging Handa briefing noong Biyernes.

Pero humirit ng exemption sa unified curfew si San Juan Mayor Francis Zamora.

Nais ni Zamora na magpatupad ng hatinggabi hanggang alas-5 ng madaling-araw na curfew sa kanyang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?